para sa mga brokenhearted at feeling broken hearted

itawa na lang natin yan mga parekoy! ganyan talaga sila:

merong manhid
merong nananadya
merong hindi talaga makaramdam
merong sadyang hindi tayo kayang mahalin o gustuhin
merong hindi kayang magmahal ng isang tao lang
merong mahal daw tayo pero may kulang
merong mahal tayo pero hindi natin maipilit mahalin din
merong nanggagamit lang talaga
at marami pang iba.

malamang nakakarelate ka. ganyan lang talaga sila, kahit anong gawin mo, hindi naman sila basta magbabago.
kalokohan yung maniwala kang kaya silang basta na lang baguhin ng pagmamahal mo!
kalokohang magpagamit sa kanila!
kalokohang maghintay sa wala.

kapag binasted ka na, hayaan mo na. napakarami pa dyang iba.
kapag iniwan ka na, magpakatapang ka.
kapag ginagamit ka na, iwan mo na. ang tanga mo naman kung gamit na gamit ka na, dikit ka pa rin ng dikit!

wag na tayong magmukmok, o umiyak, o magdepress-depressan. tawa lang ng tawa, ngiti lang ng ngiti. pag nagkita kayo, nagkausap, ngitian mo. wag na wag mong ipapakitang nasasaktan ka dahil sa kanya. talo ka pag ganun, maniwala ka sa ‘kin.

TAWA LANG NG TAWA. hindi naman bawal umiyak, wag mo lang pakita sa kanya. ano ba’ng pakialam niya?

4 Responses to “para sa mga brokenhearted at feeling broken hearted”

  1. Rancer Says:

    “hindi naman sila basta magbabago”
    ->bakit ikaw agad mgbabago???
    “basta na lang baguhin ng pagmamahal mo!”
    ->hindi pgmamahal mu ang mgbabago s knla, kundi ang pagmamahal nila sau.
    ->sa kblang banda tama k, idaan sa tawa… makktulong ng malaki di lng sau pati sa taong ngpapahalaga sau.

  2. -ii oMar ii- Says:

    Tawa lang ng tawa??? di ba plastik ang labas mu nun??? i mean bakit mu itatago ang nararamdaman mu??? eh anu naman kung makita ka nyang umiiyak??? di naman ibig sabihin na kapag pinaiyak ka ng isang taong pinahahalagahan mu eh masama na sya. lilipas din naman iyon eh. Nothing’s permanent in this world. Even LOVE fades away…

  3. aRdyey Says:

    omar, what have they done to you??!

  4. -ii oMar ii- Says:

    they haven’t done anything wrong… it’s too painful to bear… even i can’t explain myself anymore… don’t know what is real and whom to believe nowadays…

Leave a Reply