11807
Sana mapatawad ako ng Diyos. At sana pagdating sa dulo, andun Siya na naghihintay sa’kin, handang yakapin ang makulit na ako. Handang punasan ang mga luha kong ako rin ang may kagagawan. Handang bigyan ng ika-isanlibong pagkakataon ang pasaway na ako na magsimulang muli. Na ayusin ang buhay. Kasi ngayon, sa totoo lang, ramdam na ramdam ko kung paano mabuhay ng matigas ang ulo. Nararanasan ko ngayon ang hindi mapanatag dahil nawala na sa unahan ng listahan ko ang Diyos.
Sana hindi pa mahuli ang lahat. Sana magising na ko bago pa mahuli ang lahat.